u/Visual_Amphibian_561

🔥 Hot ▲ 276 r/RantAndVentPH

TW:suicide Di ko na kayaaaa :(

1 year and 3 months na akong unemployed. Umalis ako sa dati kong company kasi na realize kong di ako for technical IT kaya naghahanap ako ng administrative work kasi napansin ko productive ako sa mga clerical work. or work na may proseso na mismo.

Dami ko na inapplyan, All are rejected, kung di naman reject, ay di pinansin ang application. Sige rin ako send ng resume sa jobstreet for Data annotation or Data entry, wala parin.

Isa rin akong introvert kaya sobrang hirap. Madalas ko na kinuquestion sarili ko kung bakit ako ginawa ni God na ganito. Wala rin ako skill na namaster na pwede mag stand alone para gawing business. Willing naman ako magstart, pero need ko talaga ng work na pwede ko gawin while upskilling.

Grabe na rin gastos sa pamasahe at pagkuha ng documents na need. Pakiramdam ko talaga wala na akong place sa career.

Ayaw ko na rin magtagal pa kong unemployed. Sobrang nakakalungkot talaga. Feeling ko talaga there's no next thing for me kundi mamatay nalang. If isipin ko pa na there's still life for me tas dadagdag lang yung tagal kong pagiging unemployed tapos mas lalong di matatanggap kasi humahaba ang gap.

reddit.com
u/Visual_Amphibian_561 — 22 hours ago