Makokontento ka lang kapag hindi na pera ang hinahabol mo.
Guys, gusto ko lang mag share. I’m a Christian and ever since anti-gambling talaga ako. Before nga nung naging VA ako at nalaman kong gambling ads yung ipapahandle sakin, nag resign agad ako kasi ayokong kumita sa bagay na alam kong may masisirang buhay.
Pero lately nacurious ako sa mga “play to earn” apps na may halong gambling ads. Sabi ko try lang, kikita lang ako konti then stop na. Una puro breakeven lang, then one night yung ₱30 naging ₱1,500 in less than 3 hours. Dun ako na-hook. Feeling ko ang dali ng pera.
Pero kinagabihan puro talo na. Hanggang sa nagalaw ko savings ko. Narealize ko bigla: hindi na ito tungkol sa pera, kundi sa greed at pagiging hindi kontento. Small amount lang nawala sakin, pero sobrang bigat ng conviction at trauma. Dinilete ko lahat at yung app nagsorry talaga ako kay Lord.
Guys, totoo pala talaga walang nananalo sa sugal. Mananalo ka lang kapag tumigil ka. And honestly, aside from support groups and pages like this, ang pinaka nakatulong sakin is remembering na walang kahit anong pera ang makakapuno ng emptiness natin. Real contentment only comes from Jesus Christ.
“Keep your lives free from the love of money and be content with what you have.” Hebrews 13:5
“But godliness with contentment is great gain.” 1 Timothy 6:6
Hindi religion ang pinopromote ko, kundi relationship kay Jesus. Di pa huli ang lahat para bumalik at magsimula ulit. 🙏