u/TranslatorContent657

Need suggestion for this cat lover kuno pero kapag may breed lang.

We have 6cats, 4 cats have bakuna , 2 of them are black cats. All are puspins

Now kasi yung kapitbahay namin is kami lagi sinisisi kasi may poop sa gate nila or near sa gate nila kasi pusa raw namin yun. Hindi lang kami yung may black na cat sa area, yung una nilang naka away na bahay is may black na cat din.

This morning nag away sila and my family kasi raw sa amin na cat yun, eto yung mga claim nila:

Madaling araw nag poop tapos nakita nung husband yung black na cat.

Hindi sinabi ng kapitbahay na nakitang pumasok sa bahay namin yung black na cat. May cctv sila pero hindi kita yung pagpoop ng cat at isa pa may eye problem yung nakakita so meron akong doubt sa statement.

Galit sa pusa yung nakakita na asawa nung nakaaway ng family ko pero ang nakakatawa na part e "cat owner" din sila.

Ang sabi sa amin, ikulong daw kasi namin pusa namin.

Every 8pm pinapapasok na ng tito ko lahat ng cats namin na nasa labas, tapos sinasara yung front door. So di sila makakalabas unless sa bubong namin sila dumaan. Very alert ang tito ko pag may nakita na pusa namin na tumatae, sinusundan niya, saka may friend kami na kapitbahay na sinasabihan din agad kami. Lagi nakatambay tito ko sa gate para sa mga pusa namin.

Ano ba dapat namin gawin? Member sa baranggay yung nangaway , baka magpa sugod ng magpapa impound yun. Balak namin magpa lagay ng CCTV. Natatakot din ako na baka saktan yung cat namin, pag nangyari yun I'll make sure na makakabawi kami.

reddit.com
u/TranslatorContent657 — 4 days ago