Isang rant na naman ng isang mahirap
I'm an artist at isang poorita na traditional ang medium. Best combo, kasi parehas na iniignora ng gobyerno, mga scholarships at halos ng local market. I know there's more in the arts, pero minsan sa mga ganitong panahon naiisip ko kung gaano kahirap piliin ang traditional arts sa bansang ito.
I plan to sell my artworks to earn money and buy a reviewer, makapag-ipon ng pera para sa nalalapit na mga CETS registration at magkaroon ng funds para makapag-transfer sa isang shs school. Alam kong maaga pa, pero hanggang sa maari gusto kong maging advance knowing na sobrang baba ng market sa traditional paintings.
For some people gumana naman siya, a lot are earning but me despite being hardworking for months now ay walang benta. Nakakalungkot lang dahil habang gumagawa ako at nagpipinta, 'di ko maiwasang maisip na hindi ito ang gagawin ko in the future para kumita.
Mahal na mahal ko ang sining:(
Pero hindi naman sapat ang pagmamahal para mabuhay, kaya buo na ang isip ko na kumuha ng mas praktikal na programa. Alam kong maari ko namang maging hobby ang sining, hindi ko lang maiwasang malungkot na sa buhay kong 'to maaring 'di ko maranasan kailanman ang paaralan na hindi ballpen lamang ang hinahawakan ko. Hindi ko mararanasang pumasok sa paaralan kung saan hahawak ako ng brush, paint at lapis upang magbigay kulay sa isang obra na itinuro ng guro sa harapan.
Sobrang hirap maging mahirap, sobrang hirap maging mahirap na mahal ang sining:(