Taylor Swift Eras Tour Tokyo
So we attended the Eras Tour sa Tokyo and I have a very creepy experience sa isang hotel namen during the second night. By the way, we stayed sa Asakasa part ng Tokyo.
During our first night sa hotel, nothing unusual naman since pagod din from pag iikot and gala. During the second night of our stay, after attending the Eras Tour, since wala masyado gala and ganap. We decided to go back sa hotel and matulog na.
Wala namang kakaiba pero nung mga around 3am na hindi siya panaginip since sobrang vivid ng recall ko, feeling ko may nakatingin saken from somewhere. I tried hiding from my blanket pero kakaiba pa rin yung feeling. Ang higa ko is facing the kisame, I tried to change my position, harap sa left naman, and as I cover my face with blanket may humihila pababa nung blanket para hindi ko siya macover sa face ko. I was screaming pero hindi nagigising kasama ko sa room. Weird.
Until such time na bigla na lang parang may kamay na nakahawak sa dalawang paa ng kama then biglang mag move forward and backward. Parang umaalog na ewan. So sobrang stressful. Kala ko may lindol that time. I tried searching for an earthquake news pagkagising ko pero wala talaga.
Ewan ko if panaginip lang siya or what pero sobrang clear kasi ng memories ko. First time mangyare 'to sa mga travels ko. Huhu
Btw. I also posted this sa isang fb page. 😂