u/Sea-Ebb-2928

Ayoko na pong kasama si papa

I have a father who is a minimum wage earner he is a tryc driver, and my mom is an OFW. My parents are separated. Since my mom is an OFW, ako nag aasikaso ng mga bills dito samin. Before maging OFW din mama ko (wala pa syang 1year as OFW) magkahati sa bill parents ko, si mama sa tubig, si papa sa ilaw, pero noong nag OFW na si mama, lahat ng bill naka asa kay mama. Hindi nag reklamo mama ko. Since I'm still a minor pa, wala pa akong masyadong alam sa mga bagay bagay, ang ginagawa ko lang ay binabudget ang sahod ni mama at ibibigay kay papa ang pambayad ng ganito ganyan. Si papa kahit wala pang bill ng ilaw o kuryente, kinukuha nya na agad saakin ang estimate budget for those. Lagi lagi ayaw kong ibigay, pero lagi nya akong pinipilit. Sobrang hot tempered ni papa, lalo na kapag wala talaga syang pera, lagi laging nasisira ang gamit namin dahil sakanya, at iniiwasan ko ng mangyari yon kasi nanghihinayang ako sa mga naipundar ni mama. Hindi biro ang mga ginagawa ni mama para samin. Si papa, sugarol, kaya nya laging kinukuha agad ang budget, ay para ipang sugal nya. Kapag bayaran na, wala na, mang hihingi nanaman saakin kung may natira pa daw. Lagi kong sinasabing wala na kasi wala naman talaga, lagi nya ding sinasabing andamot damot ko. Sinakripisyo ko ng teenage years ko sakanya, lagi syang umuutang saakin tas ilang months bago nya ibigay, hindi kona nagagawa ang ginagawa ng ibang ka edad ko, hindi ako maka gala kasi walang pera lagi, sa school hindi na ako kumakain minsan kasi kulang lagi ang baon ko pang pamasahe nalang. Sobrang pagod na pagod na ako dito. Ako lagi ang sinisisi sa tuwing walang pambayad sa ganito ganyan, kahit na nag bigay naman ako ng pambayad. Hindi ko naman kasalanan na ipinang sugal nya ang pera. Hindi ko ito sinasabi sa mama ko kasi ayoko syang ma stress, pagod na nga sya sa trabaho nya tapos dadagdag pa ito. Sinasarili ko nalang ito lagi, sobrang hirap na hirap na po ako dito. Naiingit ako sa mga pinsan ko, yung papa nila after maging OFW nag hahanap na ng trabaho ulit, si papa naging OFW din dati pero kauwi walang ginawa. Pagod na po ako, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Natatakot na din po ako sa kalagayan namin ng kapatid ko, noong nag pasaway po ang kapatid ko, ni threaten po sya ni papa na papatayin daw po sya, takot na takot po ako sakanya, gusto kona pong umalis dito kasi hindi ko po alam ano pang magagawa nyang malala sa pagsisira nya ng gamit dito.

reddit.com
u/Sea-Ebb-2928 — 7 hours ago