Problem/Goal: My manager just announced to the team that she submitted her resignation and by next week wala na siya.
Context: Nag-meeting kami ng dept namin dahil sabi ng boss ko, last week na raw niya next week. Sobrang bait niyang boss. Wala talaga ako masabi. Hindi siya micromanager, and lagi niya kaming sinusuportahan or binaback-upan. Ngayon na nalaman kong mawawala na siya sa company, sobra talaga akong nalungkot kasi ang reason kung bakit ako nandito at nags-stay ay dahil sakanya.
Ngayon, sobrang demotivated ako. Parang mahihirapan din ako kasi medyo toxic yung environment dito pero nakakayanan naman namin dahil sakanya.
Naisip ko rin na mag-resign and look for another job na lang sana kaso hindi ako sure kung makakahanap ako ng trabaho ko + same salary eh sobrang hirap humanap ng work ngayon. Also, wala rin akong savings pa. Wala akong mapagsabihan or makwentuhan para makahingi ng advice. Kayo, ano mapapayo nyo?
Previous Attempts: None.