u/OrganicAccountant716

▲ 12 r/phcars

Hello po, baka po may alam sa inyo kung paano magfile ng complaint po sa ganitong case? Naawa po kasi ako sa ginawa ng driver sa tatay ko. It happened kahapon po and I even sent too many emails sa different gmails ng LTO but hindi po sila nagrereply.

Rumekta po sila sa police station kahapon pero mas kinampihan po nila ‘yung babae na bumangga sa tatay ko dahil “hindi naman daw po siya namatay” at “galos lang daw po sa motor” ang nangyari.

To tell you honestly, hindi po nanghihingi ng pera for compensation ‘tong tatay ko po. Just a respect na sana hindi siya tumakbo, buti na lang po nahabol siya pero mukha po kasing gawain ng driver since siya pa po mismo ang humamon sa tatay ko at nagsabi na “magfile ka na lang ng report sa LTO”

u/OrganicAccountant716 — 6 days ago