Yung tatay ko hindi nagpakatatay. I just wanted to start with that. Kilala ko lang halos sa pangalan, wala kaming emotional connection. Or any connection. Ni wala akong childhood memory na kasama sya.
Nung college ako pinatira nila ako sa kanila. Yung asawa niya nagdecide. Pero ginawa lang akong yaya nung mga anak niya. Weekends lang sta sa bahay non habang nakatira ko sa asawa niya.
Ako, matanda na ako. Pero sa bago kong work ngayon, covered daw parents ng HMO. 100% until 65 years old. Kaka-60 nya lang. Hindi ko rin alam kung papayag sya. He’s like that. Ma-pride. Ma-ego, the usual father figure. Pero hindi ko alam. Kung ako lang, pwede namang hindi na. Pero bigla lang pumasok sa isip ko ngayon, na what if ipasok ko. Wala namang mawawala sakin. Would you do the same?