problem/goal:
Gusto ko pong matutong bumuo ng sariling essays at structure nang hindi umaasa sa AI. Goal ko is makagawa ng logical at mahabang response nang hindi inaabot ng magdamag. Paano po ba mag-isip nang mabilis at mag-organize ng thoughts?
context
Nahihirapan po talaga ako mag-expand ng topics. Pag may kailangang isulat o sabihin, alam ko yung idea sa utak ko pero hindi ko alam kung paano siya ilalabas na may flow. Before, nung tinatry ko mag-essay on my own, inaabot ako ng 3 hours para lang sa isang output. Sobrang bagal ko kaya minsan napipilitan na lang ako mag-AI para lang may maipasa, pero alam kong hindi naman learning 'yon. Gusto ko sanang sumagot na may logical reasoning at hindi lang surface level.
previous attempts
Sinusubukan ko namang mag-isip, pero wala talagang structure na lumalabas. Parang nagba-blanko yung utak ko o hindi ko alam kung paano pagdugtungin yung mga sentences para humaba at maging makabuluhan yung essay.