u/Nandemonai0514

Tuwing magpopost ako sa fb, next non may uutang.

Dati mahilig ako magpost ng mga travel pics ko sa fb, pero napansin ko, napapadalas yung may magmemessage para manghiram ng pera or gagawin kang ninang. Ang matindi non, mga malalayong kamaganak pa o mga matagal nang kakilala na hindi ko na kaclose. Alam mo na agad yung intensyon na gusto ka lang perahan porket nakikitang nageenjoy ka sa buhay. Nagtatrabaho ako para sa gusto kong lifestyle at hindi para ipahiram sa inyo na hindi naman mababalik! Nakakabadtrip kaya hindi na ako active sa social media ngayon, magpost man ako, hanggang stories nalang para mawawala din agad.

reddit.com
u/Nandemonai0514 — 12 hours ago