
First time ko magsolo date ng gabi sa coffee shop
First time ko idate sarili ko sa ganitong klase ng lugar. Coffee shop sya na parang nasa Antipolo pero sa QC lang yan.
Hindi maganda pasok sakin ng taon kasi una kong problem agad is sa pamilya ko. Then, sa work. Sobrang stress and burnout then nitong April, lumipas lang yung birthday ko, after non iniwan ako ng boyfriend ko. Now, wala na kong sigla at mukhang ihaharap sa mga tao sa paligid ko. Mas may gana pa ko to go out alone and dun umiyak. Tipong kulang nalang lapitan ako ng stranger at iask ako if okay lang ako. Pero naka normalize sa mukha at expression ko na "yes umiiyak ako and di ako okay, but wag mo na ko tanungin kung bakit pls". Hindi ko first time maiwan ng partner during my lowest point pero ang sakit sakit parin pala hahaha skl.
By the way ang cute lang din na mas may rooftop pa yung cafe na pinuntahan ko kasi nakatago yung manipis at maliit na hagdan paakyat and yung staff ang nag suggest na dun ako pumwesto para gumaan daw pakiramdam ko. Pwede rin akong sumigaw and umiyak nang umiyak. Mararamdaman mong valid pakiramdam mo pero syempre di ako sumigaw XD.
Nakakagulat lang din kasi may gantong coffee shop parin pala na mababait lahat ng staff and very welcoming. Medyo pricey pero ang worth it. Babalik ako here.