I don't know if nandito yung kapitbahay namin sa reddit so I won't put any private details.
Anyway, ayun na nga. Meron kami kapitbahay, kamaganak namin. Debale yung nanay is asawa ng kapatid ng mama ko. So pinsan ko yung anak. Yung kapatid ni mama is OFW so mostly wala siya sa bahay nila. Noon kasi, sa bandang dulo kami ng apartment complex nakatira. Medyo maluwag yung space namin. Bata pa lang ako naiinis na ako kasi dito sila kumakain. LITERAL NA EAT AND RUN. Kahit may dala silang food or smth, dito pa rin sila kumakain. Di man lang mag initiate na sila mag hugas or lagay ng tubig. Kami pag mapupunas ng dishes nila. Tangna lang diba?
Hanggang sa lumaki ako, ganun yun palagi. Ineexpress ko naman yan sa mama ko na kesyo di naman need tawagin pa pag kakain. May kainan naman sila sa bahay nila. Noong bata ako nasabi ko yan before, na bat ba sila dito kumakain and all. Kinuha nila food nila na niluto tas binalik sa bahay nila. But yun lang yun, they still continued eating here up until today.
Lumipat kami door sa apartment complex, medyo maliit yung space. Sabi ko sa mama ko "Ay baka di na sila dito kumain, maliit na dining table and all" I WAS WRONG. Nandito na titira 2 konf pinsan pero paramg wala lang sa kanila. Sasabihin pa niyan pag may bisita kami na mag stay for ilang days "Nako, dadami nanaman tayo" LIKE?? Wala ako pake kung may bisita kami, kayo na may bahay bat di kayo kumain sa sarili niyong table? Nakikipag unahan pa yan sa lamesa. Dumadating sa point na sa sobrang inis ko, ako magluluto pero di ako kakain. Tatay ko nag rereklamo ang bilis namin sa inumin kasi dito din sila kumukuha inumin. May time na wala silang dalang ulam, kahit kanin dito. Dati kahit late ako mag luto aba dito pa rin. Kahit 10 kami sa bahay, dito pa rin.
Fortunately, nag papatayo na kami ng bahay which is malayo na sa kanila. Need na lang ng budget pa para matapos na.