u/Mental-Lettuce4660

Problem/Goal: Lagi may nasasabi yung girlfriend ko about sa appearances ng mga kaibigan ko kahit hindi naman hinihingi.

Context: Kilala lang ng jowa ko yung mga kaibigan ko based only on appearance. Tuwing magkasama kami and nag uusap about sa mga kaibigan ko, lagi siyang may nacocomment about them lalo na sa appearance nila. Some examples are: "Pakisabi sa kanya hindi niya bagay ung hairstyle niya" "Mukha siyang labubu". Minsan pa nga, kung hidni appearance, nagsasabi siya ng insulto about lang sa assumption niya na ugali nila base lang sa isang message na nabasa niya sa gc namin. Tuwing inaaya ko siya na imeet at sumama whenever may lakad kami ng mga kaibigan ko para sana makilala niya sila, ayaw niyang sumama. Ang sabi niya sa akin, "May tiwala ako sayo pero wala kong tiwala sa mga kaibigan mo."

Kilala ko yung mga kaibigan ko, they're nice and fun to be with and for sure hindi maleleft out yung jowa ko kapag nameet niya sila so I dont know why my girlfriend keeps on saying not so nice things about my friends. Alam ko rin naman yung boundaries ko sa kanila and they know na I already have a girlfriend and they show respect with my relationship.

Hindi naman need na kaibiganin ng partner ko yung mga friends ko pero it would be nice rin sana if she would try na imeet and kilalanin sila instead of making assumptions na they are a threat to our relationship. Kasi mas madami pa yung beses na ako yung nagtry na imeet at kilalanin mga kaibigan niya kaysa siya sa mga friends ko.

Previous attempts: Sinabihan ko na siya na magstop siya sa ganon pero, she still keep doing it. Normal lang ba na ganun yung GF ko? Kahit di niya sabihin sa akin directly, pinapahiwatig niya na gusto niyang lumayo ako sa mga kaibigan ko.

reddit.com
u/Mental-Lettuce4660 — 7 days ago