u/MateriaSephiroth

Sobrang burnt out na ako sa work to the point na ang mindset ko na lang lately is just "fuck it, let's just get it over with." Di naman ako ganito dati. Sobrang passionate ko with work. Sobrang saya ko pa.

Pakiramdam ko tuloy sa araw-araw, parang kinakaladkad ko na lang yung sarili ko to do a work that's drained me of all passion and joy, and I'm just going through the motions na lang waiting for something to happen.

Look, I get it - di talaga maiiwasan ang toxic workplace environment, kaya kapag ang mga nasa taas ay sobrang insensitive sa idinadaing ng mga empleyado nila at walang kayang bumoses sa sistema, parang kalbaryo ang araw-araw sayo.

Naisip ko, pano yung ibang katulad ko na itong trabaho lang namin na ito yung inaasahan namin para may pangsustento sa pangangailangan namin?

Kahit pilit na lang, tuloy na lang kami. Umaasa pa rin na mabago ang sistema. Kumakapit pa rin.

reddit.com
u/MateriaSephiroth — 15 days ago