Nakakapagod maging shoulder to cry on
Pa-rant lang. HAAAAYYY
Nakakapagod palang maging shoulder to cry on. For as long as I can remember, ako lagi ang kinakausap ng mga malalapit sa akin para mag-rant, magsumbong, magreklamo, maglabas ng sama ng loob. Kahit friends na nasa ibang bansa, ako pa din ang tinatawagan kapag gusto nilang maglabas ng sama ng loob.
Don't get me wrong. I don’t mind being that person. As a matter of fact, I'm happy to do this for my loved ones, my constants. Diba, the best gift you can give to a person is your time?
This morning, nakatanggap ako ng message from a family member, nagsusumbong. Any other time, automatic switch to listening mode ako, bigay ng payo kung humingi sila, or just be there and be a good friend, kapatid, anak, asawa... Pero kanina, hindi ko alam, para akong maiiyak at sasabog. Parang may tiny voice in my head screaming TAMA NA. PAGOD NA AKO.
Ngayon nagi-guilty ako for feeling this way. Parang ang sama ko tuloy na kapatid.
Ah ewan. Iiyak muna ako tapos magbu-book ng overnight stay sa isang beach resort somewhere. I need a break.