Nakakapagod, nakakatanga, nakakagalit, nakakaulol talaga tong timing ng baccarat na to. hindi ko maintindihan, sa dinami daming table na merong pattern pag nagjojoin ako ay palagi nalang talagang napuputol yung pattern kapag tumataya ako. like wtf 90% ng sinasalihan ko na may pattern ay palaging napuputol. like bakit ganon? sa dinami daming table dun pa talaga ako napunta sa break. bakit hindi dun sa kabila nagbreak? bakit dun pa sa kung saan ako tumaya? nakakagalit talaga, ubos nanaman ako, ang sarap magmura at sumigaw ng malakas. bakit ako kinakalaban lagi ng timing na to. oo alam kong walang pattern pattern sa baccarat kasi random ang lahat pero bakit parang sinasadya at pinagttripan ako ng kapalaran na to? like bakit most of the time kinokontra lahat ng pattern na sinasalihan ko. sobrang pagod na pagod na ako, baon pa ako sa utang. di ko na alam ang gagawin. parang pinaparusahan ata ako ng mundong to.
u/LowerLavishness6653
u/LowerLavishness6653 — 10 days ago