(Had to repost this kasi I realized my previous post had identifying info)
When I started my grad school journey sinabihan na ako ng mga kakilala ko na magastos mag-thesis lalo sa private university at umaabot daw ng 100k. Akala ko noon OA lang sila.
Mga ate at kuya… naka-150k ako sa thesis ko 😭
Kasama na diyan yung 20k defense fee. Dalawang defense pa ‘yon—proposal at final—so 40k agad. May 40k din para sa adviser, plus iba’t ibang fees like language editing, ethical review, statistician, at kung anu-ano pa. Dagdag mo pa pala journal publication 😭
Ultimo papel sa school dapat bilihin, 900 pesos per ream (200 pesos lang yan sa National 😭). Eh 3 copies kailangan ko, tapos 200+ pages pa yung thesis ko—so 1,800 agad.
Grabe. Sobrang gastos. Butas ang bulsa