u/JazzDroppinBy

Pagod na..

Nakakapagod din pala maging main provider. Ikaw taga-ayos ng finances, make sure bayad lahat ng bills, mabili needs ng mga bata at ng bahay, tapos nagbibigay pa sa parents niya. Hindi naman issue dati nung maayos pa work ko, pero nung nawalan ako ng trabaho at naubos emergency funds namin, dun ko talaga naramdaman yung bigat.

I asked him to step up, pero mag-3 years na na part-time lang work niya. Ang hirap kasi hindi stable. Natulong naman siya sa bahay, naglalaba, minsan nagluluto, naglilinis ng garahe, area ng aso, nagdidilig ng halaman, linis CR , pero ako pa rin mostly sa luto at general cleaning. Tapos minsan pag kumikilos siya parang sobrang pagod na pagod agad.

Dahil pawisin siya, halos laging bukas aircon. Pag hindi natutulog, naglalaro ng PS4. Mabait naman siya sa amin, maalaga siya sakin at sa kids. I felt guilty pa minsan dahil ganto un nararamdaman ko.. Napapagod lang talaga ako kakaisip kung paano pagkakasyahin lahat.

Minsan naiisip ko tuloy kung option ba ang maghiwalay. Pero pag iniisip ko mabuti, parang hindi rin naman madadagdagan resources namin pag naghiwalay kami. Dadagdag lang yung gawaing bahay kasi pati yung mga ginagawa niya, ako na rin gagawa. Parang trapped ka na lang sa sitwasyon.

Tapos sasabihin niya nalalampasan naman daw namin yung financial problems. Natural, kasi gumagawa ako ng paraan. Pero kapag tinatanong ko siya anong plano niya o ano gagawin niya pag gipit na naman, sasabihin naghahanap naman daw siya ng trabaho. Hindi ko rin maintindihan bakit hindi siya matanggap-tanggap, eh marunong naman siya.

Nakakalungkot lang talaga yung sitwasyon ko ngayon. By the way babae ako….

reddit.com
u/JazzDroppinBy — 6 days ago