What would you do if your HR manager is always late and absent?
Bagong employee lang ako sa company namin, and napapansin ko na madalas late yung HR namin. For example, kung 8 AM ang pasok, minsan 11 AM na siya dumarating, and parang normal routine na niya yun. Lately, madalas na rin siyang absent. Sa isang 5-day work week, bihira niyang makumpleto yung attendance niya. Absent na nga, late pa lagi.
Ang weird lang kasi siya pa yung may pinakamataas na position sa HR. Sa ibang company, feeling ko matagal nang may NTE (Notice to Explain) yung ganitong behavior.
Kayo, what do you think should be done in this situation?