Problem/Goal: Di ako marunong mag approach sa babae haha, o kung meron man lagi akong walang masabi kahit sa chat
Context: so ayun 28 na po ko, noon naman kaya ko makipag friends sa kanila at wala ko nararamdamang takot o kaba tuwing makikipag usap (marami po ko kaibigang babae dati) kaso kung kelan nag 24 na ko parang may biglang na re-wire sa utak ko hahaha di ko po talaga alam san nanggaling to. Hindi na ko marunong mang approach, di ko na din alam pano makipagusap ng hindi boring sa kanila haha atsaka ewan parang may nadevelop na takot sa utak ko habang tumatagal, baka din siguro dahil huling gf ko nung 2021 pa haha. Ayun, sorry po di ko na kasi maexplain pa ng husto kung pano yung nararamdaman ko.
Previous attempts: nag try mag dating apps kaso di pasok itsura natin e hahaha. Nag try din sa mga events, shows like makipagkilala kaso di ko alam parang feeling ko nawweirdohan sila sakin o natatakot.
Ayun po, gusto ko lang din try kung may kahit anong help haha siguro sa iba di malaking problema to kaso para sakin habang tumatagal parang lalong nakakakaba. Thanks po