u/Icy_Abroad_2567

38 + 5 weeks today and kinakain ako ng ibat ibang extreme emotions

No signs of active labor yet, pero iniinda ko ngayon ung hindi ko mapigilang overthinking, depression and init ng ulo na hind ko alam kung san nanggaling.

  1. Overthinking —

- na i’m old and eventually mapapagod rin ako kakatrabaho para sa mga anak ko and nagwoworry ako sa future. my partner shares responsibilities with me naman, but I don’t know kung bat ganto nararamdaman ko, feeling ko eventually iiwan nya rin ako.

- na i dont think i’m attractive anymore. i gained pregnancy weight. 70kgs from 55kgs. yep ganun.

- na i’m losing myself because I dont recognize myself anymore. Mainitin ulo. Pagod. Bigat na bigat sa sarili.

  1. Depression

- na feeling ko kinoconvert ko ung lungkot sa galit. minsan iiyak nalang ako bago matulog. kinakausap naman ako ni hubby kung anong problema but i cant pinpoint kung ano. gusto ko magsamgyup hindi naman makalabas ng bahay dahil sa bigat ng pakiramam. though need na magwalk walk ngayon at ginagawa ko na every morning.

- na feeling ko masstuck na ako sa gantong cycle. i used to be super active. can visit on site work, can walk miles. etc.

  1. mainit ulo ko

- sa punietang politics. iniiwasan ko na nga. hubby and i share different views on politics and i have no one to talk to.

- sa sobrang init. ang taas ng meralco tangina 13k. 2 bedrooms.

ewan lord, andami dami pumaasok sa isip ko. tapos nung mother’s day and valentine’s di ma lang ako nakatanggap ng flowers. haha. pero kumain naman kami with family.

andami dami ko iniisp at once and alam kong mali naman to :)

reddit.com
u/Icy_Abroad_2567 — 2 days ago

Problem/Goal: my kid has a friend who keeps on asking my kid if they can play with her dad (walang suporta, walang bigay na tuition at kung ano mang suporta sa anak ko). sa roblox lang sila nagkakausap ng tatay nya. Pero makulit ung kaibigan nya na gustong isali ung tatay nya sa mga laro nila.

Yun lang ung pagkakataon na nakakasama nya ung anak ko. Pero araw araw halos magkausap. Sobrang naririndi ako sa boses nung demonyo nyang ama dahil una, niloko nya ako, pinagnakawan ung magulang ko, sumama sa ibang babae at andami nyang pagkakautang sa mga taong kakilala ko. Walang sustento. Kahit ipitin mo pa yung itlog!

Pano ko papaliwanag sa anak ko na ayaw kong kausap nya ung tatay nya nang madalas? Sama ng loob ko tuwing naririnig ko boses.

Previous attempts: Ilang beses ko na sinabihang wag kakausapin lalo na pag nandun ako dahil dko matiis ung boses.

reddit.com
u/Icy_Abroad_2567 — 12 days ago

May kasambahay kaming pumasok 2 months palang. Stay out. From 6am - 4pm ang pasok nya. Kaedad ko sya at nasasabihan ko naman kung anong mga tama at hindi okay sa mga ginagawa nya sa gawaing bahay.

Ngayon, mga isang buwan palang, nagkkwento na sya tungkol sa live in partner nyang lagi syang binubugbog. Hindi marunong magbasa si ate, wala syang cellphone at nanonood lang ng Tiktok sa phone ng asawa nya. Yung ka-live in partner nya, friend ko sa fb. (Dun ko sya minemessage kung kunware nakauwi na si ate at may pabilin akong utos para sa kinaumagahan.)

Nakikita ko sa post ng live in partner nya na tila may babaeng involved as third party.

Nagppost sya ng status or notes na "Hintay ka lang, darating rin tayo jan..." "Miss na kita kung alam mo lang". Yung mga ganyang bagay. Which dko naman pinapaalam sa asawa nya dahil una, hindi ko naman alam kung anong trip nung lalake.

Ngayong umaga, late dumating si ate. 8:30 na. Buntis ako at medyo nasstress kase umiiyak nanaman ngayon dahil binugbog daw sya. Dito nalang daw sya para magstay-in. Sabi ko ate, hindi pwede kasi privacy namin mag-asawa 'to. Maliit lang ung bahay namin. Kasya lang sa dalawang bata at mag-asawa. Pinaliwanagan ko rin na may mga bed space na pwede nyang kunin kung gusto nya pa magtrabaho. Kesa pag nagstayin sya dito, guluhin pa sya ng asawa nya dito. Dagdag pa sa isipin namin. Sa totoo lang naapektuhan na trabaho nya (paglinis ng plato minsan may sebo sebo pa, kadiri!) Yung mga ganyan bagay. Napagsasabihan namin kasi nga parang wala sa tuliro.

Pano nyo hahandle yung ganitong kasambahay? Yung nanay ko, sinasabi, kung di nya ayusin trabaho nya, alisin nyo nalang.

Sa ngayon, due date ko na this week at dko afford maghanap ng bagong kasambahay, na ittrain and all.

reddit.com
u/Icy_Abroad_2567 — 13 days ago