Problem/Goal: matanggal pagmumura at paninigaw ng asawa ko sakin
Context: mahal pa po niya ako? Ang init po lagi ulo niya sakin, ano po kaya solusyon? Onting mali ko lang sobra na abot ko sakanya. May anak kami at minsan nawiwitness niya, ang unhealthy kasi napapatulala anak ko sakanya. hindi kasi ako makaalis pa at siya ang main provider namin sa ngayon. hirap ako bumangon. paano ba to huhu nahihirapan na ako, nagkakaroon ako minsan ng thoughts na mawala nalang sa mundo pero naiisip ko anak ko. first time ko magpost sa reddit tapos ganito pa. feeling ko ayaw din sakin ng nanay niya, ni hindi pagsabihan anak niya or baka takot lang sa asawa ko tsaka lagi kasi inaasahan asawa ko pagdating sa pera kaya mas kampi niya anak niya kahit harap harapan naririnig niya sinisigawan ako at alam niyang umiyak ako. parang wala lang nangyari ganun.
Previous attempts: pag cinoconfront ko, maslalo nagagalit.
Edit: thank you all for your kind words. pinapalakas niyo loob ko. hindi naman ako totally jobless…i have part time and sometimes contribute in our bills mas main provider lang kasi talaga siya now, dati meron akong permanent job pero masgusto niyang nasa bahay ako pero ganyan naman treatment sakin lalo na pag may nasabi lang ako na hindi maganda sa pandinig niya, basta sa maliit na bagay minumura ako. this time, mas mag iipon ako para sa amin ng anak ko or hanap ng better job. i know i have family to help me, we got through this kind of problem when we were little, hindi lang talaga ako open sakanila about our marital problems.
I just want to know kasi kung may solusyon paba sa pagmumura niya, kung anong pwede kong magawa para mawala yun sakanya, gusto ko maintindihan bakit niya yun nagagawa, kung ano ba problema niya sa sarili…yan mga nasa isip ko. as a product of broken family, i always wish to have my own complete family. i still want to give our family a chance, yung love hindi naman agad yun mawawala but of course, may utak din ako. kung wala na talagang chance, hindi ko na ipipilit. my child is my priority.