“May asawa ka na.” Ayan lagi linyahan ng magulang ko mapa-biro man o seryosong usapan.
Context lang, graduating student ako and may asawa na. Kinasal kami last year. Pinayagan naman ako kahit strict parents ko kasi may kaya yung napangasawa ko.
Kaninang dinner nagtanong ako ng, “San pala tayo kakain? Malapit na graduation ko hehe.” Tapos napatingin sakin nanay ko sabay sabi, “Bat kami magpapakain eh may asawa ka na.”
Di ko alam pero sobrang nahurt ako dun. Nasabi ko tuloy, “Ma bakit nung si kuya grumaduate pinaghandaan niyo nang bongga?” Sabi niya agad, “Eh iba yun, wala siyang asawa. Ikaw meron na.” After nun di na naopen ulit yung topic.
Honestly di naman ako naghahangad ng bongga. Gusto ko lang maramdaman na cinecelebrate din nila ako bilang anak nila kasi milestone ko rin naman to. Yung mga kapatid ko laging may celebration, regalo, etc. Tapos sakin parang kahit noon pa man di talaga nila naiisip paghandaan ako.
Mas ramdam ko pa nga support ng family ng asawa ko kaysa sa sarili kong pamilya. Sila pa yung excited sa graduation ko.
Ang sakit lang kasi ako naman yung tipong laging nagbibigay sakanila. Pag may ganap, kami usually sumasagot. Pati birthday nila kami rin gumastos kasi nagpaparinig sila.
Ayun lang. Gusto ko lang talaga maglabas ng sama ng loob bilang anak.