Na offload ako kahapon, nakakapanghina 😔. Kulang daw documents ko pero may COE ako at CLA. Ang ginawa hinulog ng IO ung COE at CLA ko sa counter niya as seen sa CCTV at sinabi na wala ako inabot at binalik daw niya sakin lahat at hinihingan niya ako ng picture ng company na wala ako. Pinagilid niya ako para makakuha ako ng pwede kong ipakita at ang meron ako picture ng Business permit ayaw niya tanggapin hanggang sa umabot na ako sa loob for further questions. Nung may iprepresent na ako na picture ng office na may pangalan ng Company, ayaw na nila tanggapin at gusto naman conversations na at printed na bank statement ko pero pinakita ko ung online banking ko qinuestion parin nila ung laman ng bank ko. Ngaun gusto nila sa compliance ko next na magtravel ako dapat may sponsor na na kamag anak from the country na pupuntahan ko ee wala namam ako kamag anak sa pagtotour an ko. Grabe ung trauma ko. Approved ang visa ko, completo ung req. Ko kaya approved anh visa pero pagdating sa Immigration maiiyak ka nalang talaga.
u/Great-Prompt-3721
▲ 54 r/MentalHealthPH
u/Great-Prompt-3721 — 12 days ago