u/Gold_Speed_2639

Avoidant femme

I really need some perspectice, post will be too long so bear with me 🥹

My gf (20F) and I (22F) has been in relationship for two years now. Going well naman yung relationship namin or so I thought. For the past weeks, I noticed na nagiging cold siya sa akin and wala na ring gana makinig. Hinayaan ko muna kasi busy siya sa acads while ako working naman. Then comes the day na nagtanong na ako kung bakit siya ganyan. Sabi niya pagod na raw siyang makinig sa akin at sa mga problema ko. Sobrang bata niya pa raw to deal with my problems. For context, graduating ako and working so recently talaga mga rants ko sa kaniya are adulthings talaga.

Gusto niya raw ma-enjoy yung buhay and pagkabata niya. Hindi ko naman siya sinasakal. I let her do anything, kahit mag-bar nang hindi ako kasama. Sobrang secured kami sa relationship namin. Problem lang ngayon is feeling niya Im too much to handle. Na yung mga problema ko, masyadong malaki para intindihin niya. Hindi ko naman siya nirerequire na tulungan ako, nagsasabi lang ako. But yun nga, napagod na raw siya makinig. Ayaw na niyang marinig kung gaano kamiserable yung buhay ko at pagod na raw siya sakin.

She wanted space na 1 month, sabi ko thats too much and marami na masyadong possible mangyari don. Nauwi sa break up and she said many hurtful things na hindi ko inexpect sa kaniya (no curses). Then kinabukasan no good morning so tinanggap ko nang wala na talaga. But nong lunch nag message siya na mag-usap kami and she apologized sa mga nasabi niya, out of impulse lang daw lahat and mahal niya pa rin daw ako but she really wanted that space.

Now, I dont know if we’re doing okay. We still update each other, but hindi na kami nagkekwentuhan. Minsan she sends vids pa rin sa tiktok but pag ako yung mag-send, minsan lang siya mag-reply. May mga times na matutulog ako ng hapon, paggising ko wala pa rin siyang chat.

Sabi ko hihintayin ko hanggang maging okay siya ulit, but hindi ko kasi alam kung tama ba yung ginagawa namin or lalo lang namin pinapalala yung distance? I dont know if silent quitting na siya. At ayokong maiwan. Hindi ko alam kung mag-move forward na rin ba ako or just be patient pa rin sa kaniya. I really love her and alam kong mahal niya rin ako. But one thing about her is pipiliin niya lagi yung sarili niya over anyone/anything.

reddit.com
u/Gold_Speed_2639 — 4 days ago

Totoo po kaya na pupuntahan ng atome yung company namin? Nagsabi rin sila na pumunta sila sa address ko kanina, hindi ko lang alam kung totoo kasi hindi na ako nakatira don ngayon nasa mindanao na ako ngayon. See comment para sa text nila sa akin

reddit.com
u/Gold_Speed_2639 — 13 days ago

Hello po. I’m 23(F) and plan ko sana mag-start ng small business like tube ice, alak, sigarilyo, and mantika sa bahay namin. Ang problem is may work kasi ako ngayon so balak ko sana sa mother ko ipa-handle. Paano po dapat yung hatian namin sa income non? Pwede po kaya yung arawan? Kaso iniisip ko since small pa lang siya ay baka pambayad ko lang po sa daily ni mother yung kikitain ng business.

Sana may makapag-advice po. Thank you!

reddit.com
u/Gold_Speed_2639 — 16 days ago