Happy mother's day sa mama ni Gold Dagal.
Tita, happy mother's day sa'yo. Sa tuwing nababasa naming magpipinsan yung post mo kung paano ka nangungulila kay Gold nasasaktan kami. Pero sa kabilang banda nagpapasalamat kami. Isang buong family ng magpipinsan na matagal nakulong sa kulto ang pinalaya ng talino at husay sa pagmulat ng anak mo. Alam ko hindi lang kami ang naliwanagan dahil sa COOL TO skit ni Gold. Marami kaming nakawala at magsisimula ng bagong buhay malayo sa mga mahal namin sa buhay dahil itinakwil at sinasaktan. Nakalaya kami, at nasa frontline si Gold ng buhay namin. Nandito pa rin siya tita, hindi man sa pisikal pero sa simbolismo ng kalayaan ng mga nakulong at nakalaya sa kulto. Isa rin si Gold sa lumaban para sa malayang pamamahayag sa pamamagitan ng comedy. Salamat Gold at salamat tita Jocelyn.
Sana makamtan ni Gold ang justice and we pray for your family's healing po. Happy mother's day.