This happened back in 2023. Apat kami—ako and 3 friends, nag beach trip sa isang beach resort sa Zambales. On the way there, dinala kami ng Waze sa isang “resort” na hindi naman mukhang resort. Abandoned siya, sira-sira yung structures, tahimik, parang matagal nang walang tao. Pero may isang matandang babae na nakatayo doon, mag-isa. Tinanong siya ng friend ko kung tama ba yung lugar, and without hesitation, sinabi niya, “Oo. Kay Andrea.” Nagtinginan kami kasi akala namin, ito na talaga yung beach resort—kilala niya yung name nung nagpa-reserve para sa amin.
Pero nung pumasok kami, obvious na hindi siya operational. Parang iniwan na yung place. Doon na kami kinabahan, so tumawag kami sa actual beach resort. Sinend namin location namin, tapos sabi nung concierge, “40 kilometers pa kayo. Hindi yan yung resort.” Doon na nag-sink in, kung hindi yun yung resort, bakit alam nung matandang babae yung pangalan ng reservation namin? Hindi namin yun sinabi kahit kanino.
Umalis na kami agad, pero habang paalis, sinasabi niya paulit-ulit, “Dito na kayo. Tama kayo dito.” Kalmado lang siya, pero parang sigurado. Eventually, nakarating din kami sa tamang beach resort and everything looked normal again.
That night, nag-inom kami sa labas. Doon pa lang, may napapansin na kami, yung ilaw sa room namin, kita namin mula sa labas, kusa nagpa-patay bukas. Walang tao sa loob that time. Pinagtatawanan lang namin, iniisip baka electrical lang or baka may sensors lang yung mga ilaw.
After that, natulog na kami. Yung room setup namin, dalawang kama, tig-dalawa kami bawat isa. Ako, nakahiga kasama yung isang friend, halos tulog na, nang may maramdaman ako, yung gitna ng kama namin parang may umapak. Alam mo yung feeling pag may tumapak sa kama, lulubog yung part na tinapakan? Ganun na ganun. Ramdam ko yung bigat, parang may naglalakad sa pagitan namin, step by step, lumulubog yung kama. Napatingin ako sa katabi ko, gising siya, at nakatingin din sa’kin, so pareho namin naramdaman, pero walang nagsalita.
Yung isa naman naming friend sa kabilang kama, hindi pa pala natutulog, sobrang high niya, almost 2 hours siyang gising. Habang kami pilit natutulog, siya naman yung nakakita ulit, yung ilaw at aircon sa room, tuloy-tuloy na nagpa-patay bukas. Patay. Bukas. Patay. Bukas. Parang may naglalaro.
Then around 1 AM, may kumatok sa kabilang room. Tatlong beses. Malinaw. Ang problem, kami lang yung tao sa beach resort that time. Walang ibang guests. Pero sa sobrang pagod, lasing, at high, wala na kaming energy para matakot. Hindi na namin chineck, pinilit na lang namin matulog.
After everything, may naalala kami na isang detail na mas lalong nagpa-isip sa amin. Doon sa unang napuntahan naming abandoned na beach resort, nag-yosi yung isa naming friend at tinapon niya yung kaha ng sigarilyo niya doon. Pero nung nasa tamang beach resort na kami, habang nag-iinuman, napansin namin, nandun yung kaha na tinapon niya kanina. Same na same.
Hindi namin alam kung paano napunta doon.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-explain kung coincidence lang ba lahat, yung babae, yung lugar, yung nangyari sa room.
Pero minsan naiisip namin.
baka may nadala kami galing doon.