
Malaki ang kinikita ko dati, pero kasabay nun… mas lalo ring lumaki yung gastos ko. Halos araw-araw may add to cart, laging may lakad, laging may gastos, kasi iniisip ko, deserve ko naman. Naging kampante ako. Pakiramdam ko hindi ako mawawalan ng clients.
Hanggang sa isang araw, nag-layoff si client. May ipon naman ako, kaya kahit nabawasan yung income ko, kinaya ko pa. Ang hindi ko namalayan, unti-unti nang lumalaki yung utang ko sa credit card because I was still spending the same way.
Tapos dumating yung second hit, nawalan ako ng isa pang client. Doon na nagsimulang maubos yung ipon ko. At dahil gusto kong makabayad sa bills at CC, doon ako napilitang pumasok sa mga OLA. Doon nagsimula yung tapal system, utang pambayad ng utang. Paulit-ulit, hanggang sa hindi ko na nakontrol.
Umabot ako sa point na sobrang down na ako. Pero kahit gano’n, pinili ko pa rin lumaban.
Bumalik ako sa call center para may stable na income, habang tuloy-tuloy pa rin maghahanap ng VA work. Yung sahod ko sa day job, diretso pambayad sa OLA, minsan ina-advance ko pa gamit FINN para lang makahabol. Yung kinikita ko sa VA, doon napupunta sa bills, pang-araw-araw, at ambag ko sa mama ko.
Hindi siya madali. Walang shortcut. Pero dahan-dahan, nakarekober din ako. Ngayon, may ipon na ulit. Mas maingat na ako sa pera. Hindi na ako impulsive, at hindi ko na hahayaang bumalik ako sa dati.
Kung nasa ganitong sitwasyon ka ngayon… kaya mo ring makaahon. Hindi mo kailangan bilisan, unti-unti lang, basta tuloy ka lang.