SKL: Naiinis ako sa Mom ko
Summer. Mainit. It's actually nice to be able to see your front lawn/yard full of greenery para refreshing. So kahit may weeds here and there, kahit na may overgrown native plants, okay lang sakin.
Ngayon ang pangit na, pinalinis nya lahat ung "weeds" na hindi naman talaga nakaka-affect sa ibang plants nya. Wala na din shade. And init sa pakiramdam kanina nung lumabas ako. Puro brown na tuyong lupa nakita ko, aside from a few plants na natira. Ang OA sa "gardening" na pinagawa nya.
Samantalang nung tag-ulan, hindi nya pina-trim ung mga puno or pinahugot ung weeds na pwedeng pagtaguan ng mga ahas, at pinagbabahayan ng limatik. Ngayon pa talagang summer, kung kelan mas kelangan ng green space.
Note po hindi kami mayaman ha. Nagre-rent lng kami at naswerte na maganda ung mga halaman sa harap ng bahay. Ipo-post ko sana dito ung before and after pics kaso baka makilala ako (at hindi din pala pwede).
Ang babaw lang pero for me big deal kasi yun ung nagpapa-uplift sakin. I know tutubo pa sila pero I need to see them now (I have depression). Nature is my drug. Wala ako magawa dahil nagaaway kami kapag kinokontra ko mga desisyon nya sa buhay (at bahay).
I never thought I'd cry over a garden. Buti na-picturan ko pa lahat a day before nya pinalinis lahat na hindi ko alam na balak pala nyang gawin.