Nagulat ako sa kwento ng bestfriend ko na wala silang holiday pay today kasi restday, even though nag overlap yung shift nila to today. Graveyard shift kasi sya from 9PM to 6AM, so supposedly may 6 hours silang holiday pay. Pero ang sabi, dapat may shift sila today to be eligible sa holiday pay. Eh kaso rest day na nya kaya wala raw. Binalikan n'ya yung payslip n'ya at tsaka n'ya na-realize na wala rin s'yang holiday pay noong March 20 kasi nga rest day rin n'ya.
Ang pagkakaalala n'ya raw, ang nabanggit lang sa orientation eh yung computation. Hindi rin ito specified sa contract.
Hindi ba mandated sa law ang holiday pay? Pwede ba itong ginawa nila? Matagal din akong nagwork sa dalawang BPO companies at ngayon ko lang ito narinig.
Btw, this is Keywords Studios 👀