u/Free-Performance-348

▲ 28 r/utangPH

Until unti na akong nakakahinga

Hi everyone, 26M here. This post is about credit card debt but first hear me out. Started way back 2024 I got my first cc from SB syempre tuwang tuwa ako ang first swipe ko from this cc is a phone (iphone 13) para match kami ng jowa ko and also gift ko sa sarili ko since na tangap ako sa new job ko (please saka ko lang na realize na mali) got my 2nd cc from MB, first swipe ko sa MB card hospital bills why? After a month na na hired sa new work nakipag break jowa ko dagdagan mo pa pressure sa new work every weekend nasa inuman at gala (part to ng pag momove on ko at alam kong mali). Eto matindi after 5 months nag resign without back up plan almost 2 months akong tengga walang ipon at may utang sa cc but nakapag apply din naman ako. 3rd cc from UB (talagang pumungatlo pa ang hayop) from referral ng ka work kase may voucher from jollibee once na approve leche. First swipe sa UB card hospital bills need ko maoperahan sa tyan minor operation lang so after 1 week nakabalik ule sa work.

SB - 75,000
MB - 50,000 (plus interest)
UB - 50,000

I live alone so sakin lahat ng gastos (rent, food, electricity,water wifi nag papadala din ako sa parents ko). Guys minimum wage earner lang ako 30k a month minus tax (do the math hehe) Nakakabiw pala talagang isipin san mo kukunin pang bayad sa mga yan. Nag change number and email din ako since sunod sunod ang tawag at email ng mga loan officer. Gabi gabi ako nakatulala minsan mapapaiyak nalang hahaha like pano ako napunta sa gantong sitwasyon. May mga araw na di ako kumakain para makatipid. Then nung time na wala na talaga akong maisip na paraan pumunta ako sa simbahan iniyak ko kay Lord lahat humingi ako ng guidance and after that umamin na ako sa parents ko ( middle child syndrome hangat kayang sarilinin ang problema ).

Update May 11,2026

SB - 6,247.19
MB - 46,308.82
UB - 2,500

Sabi ng parents ko wag muna daw ako mag padala (sobrang thankful ko sa kanila, hindi sila humihingi ako lang talaga yung gusto mag padala) Tapos brother ko sumama sakin para may kahati ako sa bills. I think before this year end mababayaran ko na lahat and after that ipapaclose ko na lahat ng cc ko. So guys kapit lang i goal nyo na kahit konti eh makabayad kayo kahit minimum lang at wag kakalimutang mag dasal so yeah until unti na akong nkakahinga.

reddit.com
u/Free-Performance-348 — 4 days ago