u/Formal-Trainer7309

Nahihirapan ako sa overthinking habang buntis wife ko. Paano ko haharapin nang maayos?

Problem/Goal: Gusto ko lang sana humingi ng advice kung paano haharapin yung matinding overthinking at doubts sa relationship habang buntis yung wife ko. Ayoko gumawa ng issue nang walang malinaw na basehan, pero gusto ko rin maging emotionally okay para samin at sa baby.

Context: Matagal na kaming mag asawa at mahal ko talaga siya. Recently lang may mga pagbabago akong napapansin sa relationship namin at aminado akong naapektuhan ako emotionally. Dahil doon, nagkaroon ako ng mga doubts at overthinking na hirap akong alisin sa isip ko.

Ngayong buntis siya, mixed emotions yung nararamdaman ko. Masaya ako para sa baby at gusto ko suportahan siya nang buo, pero may mga pagkakataon na nai-stuck ako sa mga iniisip ko at natatakot akong masira yung peace of mind naming dalawa.

Ayoko siyang ma-stress lalo na sa condition niya ngayon. Ayoko rin maging controlling o toxic dahil lang sa hinala at emotions ko. Gusto ko sana matutunan kung paano i-handle ito nang maayos at mature.

Previous Attempts: Sinubukan ko na rin kausapin siya nang mahinahon tungkol sa nararamdaman ko. Sa ngayon, focus muna ako sa work, pagiging calm, at pag-aayos ng sarili kong emotions para hindi lumala yung overthinking. Gusto ko pa rin maayos relationship namin at maprotektahan yung pamilya namin.

May naka-experience na ba ng ganitong situation? Paano niyo hinarap yung anxiety at doubts nang hindi nasisira yung relationship?

Nahuli ko sya pero walang matibay na evidence. Kasi nakanhide ang viber messages nila. Then may ibang bumibili ng gamot nya sa pagbubuntis, kitw ko sa create dit card details. Pero ayaw nyang sagutin. Binabaliktad pa nya ako.

reddit.com
u/Formal-Trainer7309 — 3 days ago
▲ 167 r/adviceph

Pakiramdam ko nagkaroon ng affair yung wife ko. At ngayom buntis sya. Siguro overlap. Di ko na alam gagawin ko.

Problem/Goal: Hindi ko na alam kung tama ba kutob ko o nag ooverthink lang ako. Pakiramdam ko kasi nagkaroon ng affair yung wife ko with another guy, at ngayon buntis siya. Gusto ko malaman paano haharapin yung ganitong situation nang maayos without destroying our family or stressing her too much habang buntis.

Context: Matagal na kaming mag asawa at mahal na mahal ko siya. Pero nitong mga nakaraang buwan may mga changes akong napapansin sakanya. Minsan parang distant siya at feeling ko may mga bagay siyang tinatago sakin. May isang lalaki akong pinaghihinalaan pero wala akong solid proof, puro gut feeling at mga bagay na hindi lang mawala sa isip ko.

Mas naging mabigat lahat nung nabuntis siya. Dapat masaya ako at masaya naman ako para sa baby, pero kasabay nun yung fear at doubt. Minsan naiisip ko kung may nangyari ba talaga sakanila. Pakiramdam ko rin minsan parang siya mismo may doubt o guilt pero ayaw lang niya aminin sakin.

Ayoko naman siya ma-stress kasi buntis siya ngayon. Ayoko rin maging toxic na asawa na puro hinala. Pero habang kinikimkim ko, parang lalo akong kinakain ng overthinking at nawawalan ng peace of mind.

Previous Attempts: Ilang beses ko na siya kinausap at tinanong nang maayos tungkol dito pero lagi niyang dini-deny o iniiwasan yung usapan. Sinusubukan ko maging kalmado, mag focus sa work at magpaka busy para hindi ako lamunin ng isip ko. Sinusubukan ko rin ayusin relationship namin kasi mahal ko pa rin siya at gusto ko buo pa rin pamilya namin lalo na may baby na involved.

reddit.com
u/Formal-Trainer7309 — 3 days ago