u/Fair-Flower78

30sqm lang sya and cement lang.

Nagkaproblem lang nga. First time kong ganito and i approached our brgy hall, sabi okay lang na walang building permit kasi from old garage naman and di kalakihan capital. Then our contractor also said na okay lang walang permit.

i didnt know kelangan pala muna iyong building permit etc before magpatayo dahil yung unang inquire ko sa brgy e kelangan daw muna matapos ang project para malaman ang capital so ayun brgy clearance lang ang meron ako at tapos na yung project namin.

Ngayon ako ang naiipit dahil sabi mostly ng iba wag nang kunan dahil maliit na business lang at malalakihan sa mga bayad at hindi pa nakapera.. ngayon at the same time ako rin sinasabihan bakit hindi ako kumuha e tapos na, paano kung masisita daw.

Meron po ba dito na nagpaparent ng space ng walang permit din po?

Naghahanap na ako nang magrerent at marami naman po sa kanila ay hindi kelangan ng occupancy permit dahil mga small businesses lang din.

reddit.com
u/Fair-Flower78 — 7 days ago

Nakikita ko na nagbago asawa ko. Bumabawi after ng issues. Hindi perfect but a lot better sa noon na sya. Im not perfect either kaya may kailangan din akong baguhin at maging maluwang bilang asawa.

Naglalaro ng sports si hubby with his old friend babae kasama ibang family nya. Support lang din ako kasi gusto nya maglaro at close sila at ako naman ay hindi sporty at boring kasama (tanggap ko na piling tao lang ako nakakapag close, usually mga introvert din)

Kanina nalungkot at nagselos ako kasi habang nagkkwento sya e ang unang dumating sa court siya at yung friend nyang babae at nakipaglaro muna sila sa iba while waiting sa ibang fam member. Parang couple tuloy sila tingnan dahil hindi rin parati nakakasama hubby ni girl like same kanina. Nakakaselos lang kasi nakikita kong mas naaaliw sya kasama yung iba kesa ako, parang boring kong kasama at wala kaming activity together na nagtutugma maliban sa chores at mga need lakarin. Meron nman we time sa bahay. Naging uncomfortable lang ako na ganon. And i dont think kelangan kong sabihin dahil baka magcause na naman ng away.

reddit.com
u/Fair-Flower78 — 8 days ago