u/ExplanationCool3730

It’s so hard to function normally after a break-up. I thought I’d be happier once she was gone, but it has been the exact opposite.

I have this ex. She was kind. Pinagluluto nya ko minsan, binibilhan nya ko ng cravings ko at binibigyan nya ko ng allowance. I’ve been to a lot of places because of her, but here’s the catch: whenever we were having an argument, kahit maliit lang, lumalaki. Kapag tinatry kong makipag-communicate sa kanya, hindi nya ko pinapakinggan kasi pinaiiral nya galit nya. Hanggang sa napagod na ko nang napagod kakatry makipag-communicate sa kanya kaya tuwing mag-aaway kami, tatahimik nalang ako. Pero nagagalit pa rin sya, so hindi ko alam kung saan ako lulugar. Sobrang sakit nya rin magsalita. Sinabihan nyang mamatay na sana friends ko, mukhang pera ang pamilya ko, kunware tahimik lang raw ako pero sobrang landi ko naman raw, and she attacked me about my mental health. Sobrang dami kong hinanakit sa kanya na hindi ko nalang inopen kasi ayokong mag-cause nanaman ng away samin. Dito pumasok yung pagiging mahilig ko maglaro. Na nakakaya kong magdamag naglalaro, makausap ko lang friends ko. Kahit gusto ko silang imeet, kasi ganon ako bago nya ko nakilala, pinili ko nalang na nasa bahay palagi para wag lang kami mag-away. Pero ang unfair lang na kapag sya makikipagkita sa friends nya, inaabot pa sya minsan hanggang 8 AM ng umaga without any update. Nagagalit ako, pero pinapatawad ko rin agad sya kasi ayoko nang lumaki. May naging incident kasi kami na sa sobrang galit nya, umabot na sa pagsisira nya ng gamit kaya hangga’t kaya ko, iniwasan ko talagang gumawa ng away.

Netong last, sobrang stress na stress na nya kasi wala na syang savings. Pinangsugal nya kasi yung iba nyang savings nung nag-away kami, tapos ako yung sinisi nya. After non, hirap na ulit syang bumawi. Triny kong mag-open ulit sa kanya na hahanap na ko ng work, pero ayaw nya parin. Sinasabi nya lagi na kulang pa raw yun sa expenses namin or minsan, iniisip nya na baka manlalaki lang ako sa work ko. Triny ko rin iopen sa kanya na mag-wowork ako abroad kahit 1 year lang para lang matulungan syang bumawi, pero ayaw nya parin. Na atat na atat daw akong iwan sya. So sabi ko, uwi muna kami sa kanila, tutulungan ko sya mag-benta don ng kahit ano kasi sobrang bigat na rin sa pakiramdam ko na nahihirapan sya, pero wala akong maitulong, kaso ayaw rin. Mahigit 1 week na syang di umuuwi dito samin, at kapag lumalabas sya, hindi na sya nag-uupdate minsan. Iniintindi ko parin sya kahit hirap na hirap na ko na parang wala syang partner na nag-aalala sa kanya. Ano lang ba yung magsabi ka kung nasaan ka at sinong kasama mo?

Nung time na uuwi na sya dito samin, mag-mamadaling araw na non. Biglang may kasunod na, “Dadaan muna akong CA. “ nagtaka ako kasi sabi nya, pagod na sya at nag-request sya na luto ko sya, so expected ko na uuwi na agad sya dito. Eh yung tatagpuin nya don, sobrang lapit lang ng bahay namin. Dito na ko sumabog. Isip ko, bakit di nya parin sya kahit ipagpabukas kung pagod na pagod na talaga sya? Eh walking distance lang yung bahay ng kaibigan nya na yon dito samin. Inopen ko na lahat ng hinanakit ko sa kanya. Sabi ko, parang di partner tingin nya sakin. Nag-offer ako ng lahat ng alam kong makakatulong sa kanya, pero wala syang inapprove, tsaka bakit sa mga tropa nya, kayang-kaya nyang mag-open, kaya nyang umiyak? Samantalang sakin, hiyang-hiya sya? Bakit nung time na pinipilit ko syang samahan kasi gusto ko sya isupport emotionally, ayaw nya kong kasama? Na parang kalaban ang tingin nya sakin imbis na ako yung una nyang kakampi. Bakit kako ang sinabi nya sakin ay, “Sana umayos na ang buhay ko. “ bakit hindi “namin”? Na ano ba talaga ako sa kanya? Ang sagot nya sakin, ayaw daw nya ko isama kasi icoconsiderate pa raw nya ko sa lahat ng lakad at gagawin nya. Nagcracramming na daw sya, tapos dadagdag pa ko. Na ano daw solusyon ang naiisip ko para maayos ko yung sinasabi kong buhay namin. Sarili ko nga raw, hindi ko matulungan, sya pa raw kaya? Dito na ko sumabog. Sa loob ng 1 taon mahigit na magkasama kami, ganon lang pala tingin nya sakin.

After ko makipag-break sa kanya, di ko muna sinabi kina mama, kasi alam kong pag nag-sorry sya, tatanggapin ko ulit sya kasi naaawa na rin ako sa sitwasyon nya ngayon. Kaso nung inopen ko yung PC nya, nakabukas don Messenger nya. Nabasa ko na pagkabreak na pagkabreak namin, may tinagpo na pala agad syang babae. Yung babaeng tinagpo nya, yun yung isinabay nya sakin nung magka-MU palang kami na gustong-gusto sya. Eto rin yung girl na kasama nya magdamag nung nagkaaway rin kami ng malala. Sobrang bigat ng pakiramdam ko non sa mga nabasa ko. Sinabi nya na ang sexy daw nung babae, na miss nya na, tapos “baby ko” pa tawag nya. Dito ko na inopen kina mama yung mga nangyari samin at kung pano nya ko itrato kapag galit sya.

Nung tinanong ako ng friend nya about sa break-up namin, bakit raw? Eh ang swerte ko daw sa kanya. Sabi ko, hindi naman nya alam ang pinagdaanan ko, kaya sinabi ko sa kanya. Nagulat sya kasi akala nila, sobrang swerte ko daw sa kanya, na masaya ako. Hindi ko kasi inopen kahit kanino mga ginagawa nya, kasi ayokong mag-iba tingin nila sa kanya. Nalaman ko na sinabi nya pala sa friends nya na ako daw yung nanlalalaki kapag hindi kami okay, which is never kong ginawa. Sinabi nya rin pala na hirap na sya sakin kasi parang sobrang pabigat ko na raw.

Sobrang hirap magsimula ulit at ayusin sarili ko after ng mga naranasan ko sa kanya. Di ko na ulit alam paano magiging okay, paano ibabalik yung self-worth ko at confidence kasi walang-wala na kong natira para sa sarili ko. To the point na di na ko makakain nang maayos at makatulog kasi lagi kong tinatanong sa sarili ko kung saan ako nagkulang at kung anong ginawa kong masama kung bakit sya naging ganon sakin? Kung bakit ako naging masama sa kwento nya?

Galit ako, pero mas nangingibabaw pa rin yung guilt ko kasi iniwan ko sya ngayong walang-wala na sya. Inuupdate ako ng iba nyang friends tungkol sa nangyayari sa buhay nya, na keso walang-wala na raw syang natitirang kahit magkano, na di na nya mabili mga gusto nya unlike before. Sobrang sama raw ng loob nya na iniwan ko sya kung kelan walang-wala sya. Araw-araw akong hinuhunt ng guilt ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

reddit.com
u/ExplanationCool3730 — 12 days ago