
normalize reporting neighbors na walang pake kahit madaling araw na at todo videoke pa rin
I finally reported our neighbors because sobrang ingay na talaga ng videoke nila. Halos buong hapon hanggang gabi sila kumakanta nitong mga nakaraang araw, tapos tuloy-tuloy pa kahit lagpas 10 PM na.
Gets ko naman na gusto ng mga tao mag-enjoy and mag-videoke paminsan-minsan, pero sana may consideration din sa ibang kapitbahay na gusto magpahinga, matulog, mag-aral, or may work kinabukasan. Ang hirap mag-relax kapag sobrang lakas talaga ng speakers at rinig na rinig sa buong paligid.
Wala naman problema kung minsan lang at within reasonable hours, pero kapag sunod-sunod na araw at late na gabi pa rin, nakakaistorbo na talaga.