u/Exciting_Hamster4309

▲ 1 r/upou+1 crossposts

Paano mag-heal kung kailangan niyo pa ring magkita para sa anak niyo?

Hello po, 27F, 28M. In a relationship for 7 years, on and off, live-in for 2 years, may 2-year-old na anak. Naghiwalay na rin kami last month lang.

So ito na, ewan ko ba kung matatawa ako o ano. Bago kami magkaroon ng anak, inlababu pa si boy at mahilig mag-post ng kung ano-ano about sa relasyon namin. Lagi akong tina-tag. Cover photo ako, tapos lagi niyang inu-update yung relationship status niya. Makikita naman na siya yung nagfi-first move since public lahat.

Nung naghiwalay kami noong ikatlong taon, hindi na niya mabuksan yung FB account niya. Since break kami, nagkaroon siya ng mga flings. Ewan ko ba bakit palaging may nagvi-view ng profile ko sa ibang socmed platforms. Ngayon ko lang na-realize kung bakit. Lol. Akala siguro nila ako yung ex na dapat nilang kainggitan, hahahaha.

Pero ito na nga, nung break kami, since hindi niya na mabuksan yung account niya dahil limot niya na raw yung password, gumawa siya ng bagong account. Hindi ko siya friend sa lahat ng socmed. Mahilig kami mag-blockan kaya sanay na rin ako. Kahit sa IG at TikTok, hindi kami friends. Nung nagkaanak kami, Messenger lang kami nag-uusap. Hindi rin ako yung tipo na humihingi ng account sa partner.

So eto na nga, wala namang naging issue sa ibang babae nung kami pa, pero since nakita ko nga na halos lahat ng magaganda sa socmed eh fina-follow niya, doon ako nag-start mag-overthink. Walang dates, pero palagi kaming magkasama kasi pareho kaming WFH.

Ewan ko ba, pero ngayon ko lang na-realize na hindi dapat lahat ng ex eh pagselosan. Kasi kung sakali mang makipag-date siya in the future, baka mamaya eh pagselosan ako kung ako man yung unang dinala sa family reunion at makita nila yung old account na halos naka-dedicate sa akin lol. Kung alam niyo lang.

Well, paano ba kasi mag-report ng account? Ayokong magkaroon ng evil eye in the future. Sa inyo na ’yan.

Reason kung bakit naghiwalay? Napagod na ako na halos kailangan ko pang sabihin kung ano yung mga dapat niyang gawin, na dapat tulungan niya rin ako sa gawaing bahay. Sabay na rin na since may mga naging flings siya nung off kami, napapaisip ako kung bakit hindi ako ma-add ng gagong ’yun sa mga socmed niya. Pressure pa sa trabaho kaya hindi na kinaya ng ate niyo.

Tsaka nadulas din siya nung magkaaway kami. Galit na galit siya noon at sinabi niyang pinanalangin niya raw na hindi kami magkatuluyan. Lol, edi wag. Since mapride ang ate niyo, umalis na ako the same day na sinabi niya sa akin ’yun, dala ko yung bata.

Pero ngayon, hinahatid ko doon yung baby ko siguro twice a week kapag off nung tatay. Eh parang tanga nga kasi hinahatid pa ako dito sa amin nung lalaki kasi baka wala na raw akong masakyan. Mapilit pa. Pero wala kaming dapat asahan sa isa’t isa. Ayoko na sa kaniya at halata namang ayaw niya rin sa akin.

Hingi lang sana ako ng magandang setup. Mas okay ba na kalimutan na lang namin siya ng baby ko? Ako kasi madaling makonsensya. Okay naman ako sa pamilya niya since ayoko na ng madramang hiwalayan. Hindi na tayo bata para idamay pa ang ibang tao sa failed relationship. Pero naaawa ako sa baby ko. Ang reason ko lang naman kung bakit ko siya hinahatid doon eh dahil papa’s girl siya.

Ang akin lang, mahihirapan akong mag-move on sa ganitong setup. Gusto ko magsimula at mag-heal. Any advice po will help

reddit.com
u/Exciting_Hamster4309 — 4 days ago