u/Excellent_Shake2810

How to cleansing when your life's always fck up? Or baka may kakilala kayo nagtatawas? Albularyo?

Problem/Goal: Kasi yung bf ko parang ang unfortunate ng life nya.

Context: Kasi kada buwan or linggo nasisiraan sya ng motor, magkakasakit sya or kapamilya nya, naaksidente sya, nabangga, at yung huli kagabi. Naholdap sya. Muntikan na sya mabaril.

Kinausap ko naman sya baka may nabati ba sya, may nakaaway ba sya, or may kawork ba sya na may inggit sa kanya. Wala naman daw. Kasi nagsisimba naman kami at nagdadasal. Actually Choir sya sa simbahan. Tsaka isa pa pala sa tuwing may pinaplano din pala kami madalas hindi natutuloy. At palaging nadedelay mga plano namin. Hindi kami pala post sa social media. Wala din naman kasi pinagsasabihan ng mga plano namin sa buhay. Pero bat ganun? Huhu.

Previous Attempts: Kagabi nag salt bath cleasing kami para mahimasmasan sya. Kasi natrauma sya sa nangyare kagabi. Ngayon balak namin magpatawas or magpacleansing man lang sa albularyo kasi grabe na yung kamalasan sa buhay nya. Sorry desperado na po talaga kami. May mga naniniwala ba sa inyo dito nun? May mga nakagawa na ba nito sa inyo?

Please respect na lang po sa post ko. Thanks.

Note: Idagdag ko pala. We have 2 cats at di sila mapakali kagabi nung hindi pa umuuwi bf ko. Nung nakauwi na bf ko bigla namang nawala yung isa naming pusa. Nag aalala ako baka hinanap nya yung bf ko sa labas kasi hanggang ngayon di pa din sya umuuwi 😭

reddit.com
u/Excellent_Shake2810 — 5 days ago