Out of the Market Ba Pag 30's Na? Or it's Something Else?
I'm in my 30's.
Never nagkaroon ng seryosong relationship.
Not that I didn't try, I did... Many times. And many times ding na-reject.
Tumambay na sa yellow app and blue app pero puro ghosting, cheating and rejection lang ang naranasan.
Nakakababa kaya ng self-esteem yung pagka send mo pa lang ng pic, blocked ka na kaagad! Buti pa nga yung picture ni Sadako, nakita ko ginagawang wallpaper ng ilan. Yung akin, grabe... Parang mas may chance pa yata si Sadako na may maka hook sa dating app kesa sakin.
Tinry ko ring mag improve ha? Mag skin care, diet and exercise, pero ewan ba, feeling ko sa bawat taong magugustuhan ko, may karibal ako na 10/10 ang rating.
Is it my age ba? Or itsura ko? O yung personality ko? Kasi online o real world, walang nagkakagusto sakin.
Siguro it's not really my age kasi maski nung 20's pa lang ako, ignored ako lagi. Never may nanligaw sakin aside from a very young guy na may nililigawan rin palang iba. Balak ata akong gawing side-chick o side-gay na isinet aside din kalaunan.
Or maybe it's because of my small d*ck. Kasi kung yung iba ay saba at turdan, sa akin ay senyorita. Ewan ba pero parang sa mundo natin, maski di naman tayo babae, napakaimportante na malaki o mahaba ang kargada.
O dahil underachiever ako? Dahil boring ako? Dahil wala sa aura ko yung cool akong maging part ng future nila, tulad ng sabi sa akin ng isang nakausap ko?
Nauwi na lang ako sa pag hire at ES. Walang rejection basta may budget. Di ikaw yung i re reject nila kungdi yung offer mo. Ok na ito, at least na experience ko ma-kiss, mayakap, may makahawakan at kung anu ano pa.
Pero at the end, naitatanong ko pa rin kung bakit kaya? Anong meron sakin? O anong wala sakin?