I would like to share my experiences na nakakita Ako ng multo.
1st: Medyo Bata pa ako that time siguro around 10-12.. Hindi ko na maalala Ang exact age ko, pero up until now naaalala ko pa rin yung pangyayari, Yung Nakita kong multo. Hindi ko sure kung multo ba talaga Yung Nakita ko or what kasi napaka bilis ng pangyayari. Lumabas Ako ng Cr after ko mag half bath bago matulog, tumingin Ako sa labas ng pintuan namin at duon ko sya nakita. Isang parang matandang babae na sobrang puti nakatayo lang, Yung puti nya kakaiba Kasi nag gloglow sya. Hindi ko rin Makita Yung Mukha nya. Tumingin Ako sakanya ng mga 5 seconds siguro para I process Yung Nakita ko Kasi nag taka talaga Ako dahil wala naman kaming kapitbahay that time at Wala ring ilaw na bukas, Kya sa mga Oras na yun nag taka Ako sabay takbo sa kwarto nung medyo kinilabutan na Ako. Pag balik ko sa spot Nung matanda, Wala na sya. Nag hanap Ako ng source ng ilaw kung saan saan pero Wala naman akong Nakita. Naikwento ko to sa tita ko at mama ko, Sabi ng mama ko may namatay raw na mga Muslim na nasunog dun sa likod na parte ng bahay namin. Sinabi naman ng tita ko na baka Yung nakita ko raw ay Isa sa mga Muslim na namatay dun. Dun ko na realize na Yung suot ng Babaeng Nakita ko ay parang pang Muslim nga, Yung mata lang Yung nakikitang parte sa katawan.
2nd: Sa Bulacan naman to naganap, sa bahay ng Lola ko. Masasabi Kong malaki laki ah bahay ng Lola ko dahil may 3rd floor sila at maraming kwarto. Gabi rin nangyari tong experience ko na to Kasama Ang mga pinsan ko. Nasa Isang kwarto kami sa 2nd floor, nakabukas Ang pinto. Meron kaming family reunion kaya ang bawat kwarto ay may natutulog na kapamilya namin. Habang nag cecellphone ako, Nakita ko na parang may lalaking bumaba ng hagdan papuntang 1st floor, pero Hindi ko nakilala kung sino dahil madilim Ang paligid. Naiihi na rin ako that time at natatakot lang bumaba dahil Wala akong kasama. Nung Nakita ko Yung lalaking bumaba, nag lakas loob narin akong bumaba para umihi. Pero nag taka Ako dahil walang ilaw na nakabukas sa 1st floor, Wala ring tao sa may Sala,kitchen area at sa cr, kaya pumasok Ako at umihi saglit at prinoprocess Yung mga pangyayari. Nag taka Ako kung saan napunta Yung lalaking bumaba, kaya dalidali akong umakyat pabalik sa kwarto at sinabi ko sa mga pinsan ko Yung nangyari. Chineck namin Yung kabilang kwarto at ang nandun ay Ang Tito at tita ko lamang na natutulog na. Halos Hindi Ako makatulog that time kakaisip ng kung sino o ano Yung Nakita kong pababa sa 1st floor Nung gabing yun.
May 3rd eye ba Ako? or normal lang na makakita ng mga ganitong experience