Itottoo ko na ba na last ko na ex ko?
Minsan naiisip ko, what if gawin ko na talaga yung sinabi ko sa ex ko noon na “after mo, wala na.”
Not in a hopeless or dramatic way naman. More like after that relationship, parang may something sakin na nagbago permanently. I can still function, meet people, laugh, and move forward, pero parang iba na yung way ko magmahal or mag connect.
Ang weird kasi I don’t even think I miss her anymore. Parang mas namimiss ko yung version ko before everything happened. Yung kaya pang maging soft without overthinking everything.
Kaya minsan napapaisip ako if some words said out of pain eventually become true. Kasi dati akala ko line lang yun na sinabi ko dahil nasasaktan ako, pero now parang unti unti ko siyang nafifeel.
Context: It’s been 4 months since our breakup. May bago na rin siya and I don’t mind about that. Anyway, I’m happy naman in my single era pero ang labo na I could love someone that deeply again. Thoughts?