Gigil ako sa friend kong ginawang personality yung bf niya
kagigil tong friend ko huhu. mga 2 years pa lang naman yung cof namin, pero etong friend ko kasi talaga yung tipo ng maingay at maligalig na friend na sobrang saya kasama. simula nung naging sila ng bf niya, parang puro na lang siya tungkol sa bf niya. noong una nakakakilig pa kasi syempre torpe pa sila sa isa’t isa, pero habang tumatagal, pabawas nang pabawas yung chats niya samin. tapos kapag may message naman siya sa gc, matic tungkol pa rin sa bf niya— either may problem sila or manghihingi ng advice whatsoever.
tapos kapag may gala kami, lagi niya gustong isama yung bf niya huhu. tipong “pwede ko bang isama si _?” like nakakairita na 😭 noong una okay lang samin kasi syempre gusto rin naman namin maging close sa bf niya, pero habang tumatagal nakakabwiset na kasi kapag kasama siya, hindi kami maka-chika nang maayos or maging comfortable kasi obviously di naman namin siya ka-close. parang kailangan lagi kaming may filter tuloy sa mga sinasabi namin.
ngayon sobrang dalang na niya mag-chat sa gc. as in hindi na siya yung dating maingay samin, pero kapag magkaaway sila ng bf niya, biglang todo send ng vms at chats 😭
yun lang, gusto ko lang ilabas yung inis ko grrrr