Graduating
Ngayon gets ko na kung bakit talamak ang mga politikong magnanakaw. Nagsisimula 'yan sa loob pa lang ng mga State Universities: hinahayaan nating mamuno ang mga kilalang mandarambong dahil lang bilib tayo sa talino at galing nila. Kinukunsinti natin ang maling sistema basta 'mahusay' ang nakaupo. Ang kultura ng korapsyon sa ating bansa ay repleksyon ng kung ano ang pinapaboran natin sa maliliit na organisasyon.
Kapag ang isang State University ay pinagkatiwalaan ang isang student lider na may bahid ng nakaw dahil lamang sa kanyang katalinuhan, tinuturuan natin ang susunod na henerasyon na ang 'competence' ay sapat nang dahilan para isantabi ang 'integrity.'
Hindi na kataka-taka kung bakit may mga magnanakaw sa gobyerno. Sa unibersidad pa lang, binibigyan na natin ng kapangyarihan ang mga corrupt dahil lang sa 'galing' nila. Ang talino na walang karakter ay simula ng maling pamumuno.
Tandaan mo yan, tutal proud ka pa.