Binigyan Ng Sasakyan Tapos Binawi Rin
Please wag nyo i-share sa ibang platform. So meron akong mga in-laws na masasabi kong mayaman talaga. Yung anak ko mag start na sya mag school, gusto ng mother in law ko bilan kami ng ebike pang byahe sa school and para hindi na daw kami gumastos sa gas. Edi eto na, naka order na ng ebike. Nangealam ngayon yung father in law ko, sabi nya ayaw nya daw na naka ebike yung apo nya. Ang sabi bibilan daw ng car na full EV. So kami, hindi masyado tiwala kasi matindi mag sinungaling yun FIL ko, narcissistic din kasi and womanizer talaga, mas gusto pa nya gumastos sa mga kabit at mga anak anak nya sa labas kesa sa tunay na pamilya nya.
Isang araw bigla sya tumawag, sinabi na kuhanin na daw namin sa casa yung sasakyan na binili nya para samin at ipangalan na din daw samin. Para lang sya bumili ng sapatos. Pero kasi knowing him, alam ko may catch bakit nya kami pinagkagastusan.
So nakuha na yung sasakyan, kinabukasan ginamit namin pang hatid sundo sa school (naka summer class po anak ko) pinagsabihan ba naman kami na “sige gamitin nyo ng gamitin yang sasakyan nyo!” Eh sa isip namin para saan pa at binili yung sasakyan?
Tapos kanina Mother’s Day so lumabas kami mag asawa, ang work ng husband ko ay 9pm. Mind you, 7:30pm pa lang tumatawag na sya galit na galit samin. Para sakanya wala naman daw kwenta kahit Mother’s Day kahit nga daw asawa nya hindi naman nya binati. So nagalit sya samin kasi wala daw kami sa work, eh 7:30pm pa lang that time kaya nung sinabi namin na 9pm pa start ng work parang mas lalo pa sya nainis samin. Pag uwi namin binawi nya yung sasakyan after a week. Lagi lagi daw kasi namin ginagamit (hatid sundo sa school every weekday, tapos kanina lumabas kami nag celebrate ng Mom’s Day).
Sabi ko sa husband ko kapag binalik yung sasakyan wag na nya kuhanin, meron pa naman kami ibang sasakyan. Ginagawa nya pang control samin yung sasakyan na binili nya. Unang una, hindi namin pinabili o hiniling sakanya yon. Sya ang kusa nagbigay kaya akala naman namin bukal sa puso nya, pero pakitang tao nga lang pala sya. Nakakadala, nakakatrauma. Pag sumakay ako don sa sasakyan na yon wala na ako ibang maiisip na baka mamaya pag uwi namin at hindi nanaman maganda mood nya bawiin nanaman samin yung sasakyan. Ibang mga magulang unconditional ang pagmamahal, pero sya conditional. Lumayas na kami ngayon, para sakin kasi below the belt na yung ginawa nya. Marami syang ginawa samin na pinag titiisan lang namin. Pero ngayon enough na.