Okay naman ang situation ko
Please dont post sa ibang social media platforms.
For context, naka wfh setup ako, working GY shift and mejo okay ang sahod.
May sahod pero may bills padin and may personal expenses ako and since pera ko yun I can do anything I want with it.
A relative reaches out asking me to lend them money to the point na gumagawa pa siya ng excuses (this person does not have the capacity to pay back) so I declined. Kinausap pako nung isang kapatid niya supporting her at sinasabihan pako na papalitan naman daw, na para bang hindi ko alam kung pano ung kalakaran kapag may hawak sila ng pera. I still declined.
Unang-una nanghiram sila ng pera without asking me if may extra ba ako na para bang may pinatago sila at parang wala ako bayarin sa life. Pangalawa parang sakin nila dina-dump ung money problem nila at required ako magpahiram.
Sa isip ko naman, na-offend ako. Akala ba nila porket may pera ako napulot ko lang un sa kalsada? na ako ay swerte? na parang hindi ako nagsa-sacrifice ng oras na magtrabaho ng madaling araw para lang kumita at matustusan ang needs ko?
Ang problema sa mga kamag anak ko nakikita lang nila na may kinikita ako, hindi ung hirap kung pano ko nakuha ung pera ko na yon. Hindi ko man lang makita sakanila ung concern na what if magkasakit ako kasi ung time ng tulog ko iba, or kulang na ako ng vitamins and baka may iba akong sakit na nararamdaman. Wala. Ang nakikita lang nila may pera ako. ag nakikita nila okay ung situation ko dahil may pera ako. Hindi man lang nila naisip na naghihirap din ako at sobra naman na hihiramin lang sakin ng parang pinatago lang ung pera.
Tapos at the end of the day hahayaan ko na lang kasi I'm in a better place than them pero when will they understand na may sacrifices din ako? na I paid a price when I Ianded this job and not them just thinking na I have money and I'm okay? Nakakalungkot lang kasi walang nakakaintindi sa hinanakit ko. 😞
I'm just sharing na it's very sad where I am now.