Problem/Goal:
Pinunupush ako ng parents ko (especially yung papa ko) na kumuha ng scholarship sa DOST, pero I declined every time kasi para saakin, hindi ko na kailangan. Ngayon, galit na galit sila saakin.
Context:
I consider myself to be very privileged. Hindi total na mayaman and definitely not anak ng politician/contractor, pero I can get by easily compared to most. Only children lang po ako sa dalawang plant manager, and all my life, hindi ko naranasan ang mga financial issues or anything similar. Stay in po kami sa isang kompanya at libre yung utilities namin kagaya ng tubig at kuryente. Kaya diyan, malaki po yung naiipon namin sa loob ng ilang taon at kung meron akong gusto o kailangan, kayang kaya ng parents ko bilhin. Pero hindi din to the point na nag sasayang din kami ng pera sa ano-ano lang, kung ano lang kailangan.
Upcoming first year archi student ako this academic year, at enrolled na ako sa state university dahil yan lang yung isa sa dalawang university na nag o-offer ng course ko sa city namin (yung kabilang university medjo malayo-layo saamin kaya pinili ko nalang yung mas malapit + di po maganda ang reputation ng uni na yon).
Tagal nang pinupush ng parents ko na mag kuha ako ng scholarship sa DOST (o kahit anong scholarship), since Grade 11 pa yata. At first, nag oo nalang ako, pero after a while, nag dadalawang isip na ako. Dahil plano ko naman mag enroll sa state university na wala akong binabayaran, bakit kailangan ko pa mag scholarship kung kaya naman ng savings ng parents ko + ang savings ko pa?
Hindi lang po yan ang main reason ko as to why I refused to apply for a scholarship, it’s because hindi ko rin papayagan ang sarili ko na agawin ang slot sa mga studyanteng talagang nangangailangan. Being in a state uni is one thing, and even then, yan lang ang best option ko. But to take a scholarship that I don’t need from someone who does need it? Tagal na ako nag hard pass.
Pero earlier merong kausap ang parents ko, work mate nila, let’s call him sir Mace nalang, medjo may kaya din sa buhay. Nag shift sila sa topic about scholarships, and wala ako doon in person, pero I’m assuming na inimention ng magulang ko ang rason kung bakit hindi ako nag a-apply sa mga scholarship. Tapos si sir Mace naman sinabi niya sa magulang ko na wala naman talagang slot-slot ang DOST at binibigyan nila lahat ng scholarship basta naka pasa. Mi-nention niya pa nga ang mga kilala niya na may kaya din na naka kuha ng scholarship sa DOST at nakakakuha ng 15k sa isang buwan (side eyeing that).
Ngayon finoforce na ako ng magulang ko na mag apply, kung mag rason ako, mas lalo lang magagalit (then again, bihira din man sila nakikinig sa sinasabi ko, ako lang lagi mali :\). They’re very hard to say no to because they’ll throw a whole fit, and since I’m an only child, I really don’t have anyone to back me up. I’ve done some research if talaga bang walang slots ang DOST or if misinformed lang si sir Mace pero medjo mixed ang results.
So, am I being overdramatic and should just apply like my parents told me— or should I stick to what I believe in? What should I do, really? (Sorry for the long post I’ve been holding this in for a while ;-;) + (Sorry if there are mistakes in this post as well I’m too tired to check)