Everything reminds me of her
I posted recently here about my woman cheating. Turns out tama pala talaga ako, and may mga nalaman pa akong ibang detalye na mas nakadurog sa akin.
But the thing is, masakit at ang hirap pa rin talaga, kahit ginawa kang kabit.
Akala ko "Mas madaling makamove-on dito, cheating naman eh". Pero hindi, kabaligtaran. Mas nagwowonder ako na "what if tapat sya?", "what if ginalingan ko?","what if iba yung circumstances, nagwork kaya kami?"
Tas ang nakakatawa pa, parang inaasar ako ng mundo. Kasi nalulungkot ako pag napapadaan ako sa sampaloc, pag nakakakita ako ng snoopy sa feed (fave nya haha), pag nagshshuffle yung green day sa spotify, pag napapadaan ako sa pinagkakapehan nya, pag nakakakita ako ng naka bangs HAHAHAHAH
andito na rin ako sa point na nakakalungkot makakita ng bakery, kasi napakahilig nya sa tinapay HAHAHAHAHAHAHA
Basta lahat lahat parang pinapaalala sa akin. Ngayon napakahirap umusad, sa ngayon hindi ko alam kung paano. Sabi nila, over time it will get better, but I don't know how.