Thank you for making our last day memorable
Problem/Goal: Eversince nag start ako sa bago kong work, nakikita ko na to si guy sa shuttle tuwing uwian. Since nagkaroon ng training sa service namin, isa ako sa mga napili na umattend and nagulat ako na yung taong madalas kong silipin sa shuttle ay kasama rin sa training. Nagsimula sa sulyap sulyap, happy na akong nakikita siya every morning. Kakain kami ng sabay sabay and then after that, session na ulit hanggang hapon . Naging teammate ko na din siya sa isang activity and i can say that he is nice and kind. Since last day na ng training namin, and after 1 month ko ulit siya makikita. Naglakas na ako ng loob na tanungin siya kung puwede kami mag ice cream at libre ko. Sabi niya sasabay daw siya, hindi daw talaga siya nag iice cream pero sumama pa din siya. Nung andon na kami siya nag open ng door nung store, and nung magbabayad na sabi niya siya na daw. Nahihiya ako pero hinayaan ko na lang. Tinanong ko din siya kung may gagawin siya sabi niya wala, gusto ko pa sana mag stay and makapag kuwentuhan pa kami ng medyo matagal pero may inuutos yung isang superior ko kaya pagbili lang ng ice cream nagawa namin and kaunting usap then bumalik na kami sa hotel. By the way in a relationship siya, sa likod ng phone niya may polaroid pic n kasma niya yung girl. Pangalawang beses ko na yung nakita kahapon and ang sakit na nasampal na naman ako ng katotohanan na taken na yung taong yun.