Hello, just want to share to everyone na same din ng situation ko and also to acknowledge yung mga lapses ko when it comes to my financial decisions for the last 3 years. Nalubog ako sa utang now and hindi ko na alam gagawin ko.
Yes, this is may fault. Masyado akong magastos, hindi ko na iisa isahin paano lumbo yung utang ko pero ang pinaka reason nya is maluho ako at hineal ko ng malala yung “inner child” ko.
Currently, unemployed ako ngayon. I resigned last December 2025 without back up plan dahil sa sobrang stress sa work at toxic ng working environment na hindi ko na talaga kaya tiisin. So I decided to resigned, at pina sa Diyos ko nalang kung paano ko mababayaran yung pending bills ko (CCs, personal loans, OLA). I’ve been staying with my parents naman ngayon and wala ako problema sa pang araw araw na pagkain kasi naawa nalang family ko sakin kasi nakita nila na sobrang stress na ako sa work pero ang hindi nila alam sobrang dami ko nang utang at ayoko na sila istressin at gambalain pa since sagot na nila pang araw araw na pagkain ko at allowance ko every week (1-2k lang for emergency). Nahirapan din ako maghanap ng work at source of income ngayon kasi masyado na ako burnout at wala na akong motivation at all. May naipon naman ako bago mag resign to pay my bills up until Feb 2026 lang. So OD na lahat ng utang ko simula March 2026. Tawag dito, text dito at email doon, nahaharass na ako at na aanxiety na din pero nilalabanan ko lang. May mga demand letters na from banks na narereceived ng family ko at nakita ko na nagworry talaga sila ng malala, gustuhin man nila ako tulungan eh may kaniya kaniya din naman silang bayarin. So far ito yung utang ko na OD na lahat as of now:
Eastwest (cc): 280k
BPI (cc): 70k
Security Bank (cc): 65k
BDO (cc): 40k
Landbank (personal loan): 185k
Maya credit: 5.5k
Spaylater: 8k
Grab loan: 12k
Loan from friends: 35k
Hingi sana ako ng help kung paano ko ito massolusyunan 🥹😭 dumating na ako sa point ngayon na yung ibang gadgets at alahas na meron ako ay binibenta ko na din mabayaran lang yung ibang mga utang ko.