My kid just graduated kinder yesterday
I came from a broken family, since 4 ako hiwalay na sila and lola ko bumuhay sakin and such, minsan may sustento sa tatay pero di naman ganun kaconsistent dahil may pamilyang iba na, my mom sobrang mabibilang lang sa daliri.
Lagi akong may sabit nung elem and pinsan ko lang lahat nagsasabit sakin, except nung grad na ng grade 6 na umiyak pa ko kase late tatay ko sa general practice.
Moving forward, I am a mom now ng 5 years old. Im working night shift na hybrid and full time mom. So yung sleep ko talaga is sobrang limited pati pahinga dahil 11am pasok nya sa school everyday and multitasking talag, laba luto etc habang nagwowork pag wfh
Grumaduate na sya kahapon ng kinder and at 5 years old mag grade one na sya, actually dapat sa kinder 1 sya nakaenroll pero nagkamali ng lagay ang school kaya naging kinder 2 sya.
Nung unang pasok nya sa school, as in ayaw talaga nya and nagkacry sya pag nagaaral kami. My MIL told me baka daw prinepressure ko ang bata, people sa paligid namin telling me wag kong pilitin ang bata. Ipatutor ko
Pinatutor ko sa kamag anak and then yung kamag anak naaawa daw sa anak ko kase naiiyak pag nagaaral
Kinuha ko ulit ng pagtuturo, aaminin ko, may time na tumataas boses ko kapag tinuturuan ko dahil wala pa ko sleep galing work tapos syempre wala namang batang di makulit. Pero never ko naman minura or sinaktan physically. I always sorry after magtaas ako ng boses.
Everything is slowly changing, yung anak ko na dati ayaw magschool, excited ng pumasok. Lahat na ng mga tao sa school binabati, dumadami na ang friends. Dumating ang first grading, di sya kasama sa with honors, pero okay lang. ang nasa isip ko lang non, basta pumasa sya and masaya sya sa ginagawa nya okay na.
And ayun dumating ang mga sumunod na gradings at nagkakaaward na anak ko. And sobrang nagimprove social skills nya. Naiiyak ako while typing this.
Kahapon grumaduate na sya with 3 awards tapos yung isang award best in math pa, e obob ako sa math kaya nga ko nagpsych lol.
Anyway, my heart is so full right now. From a kid na wala laging magulang tuwing PTA meeting, card giving, school events to recognitions to a mom right now na laging present sa lahat ng ganap ng anak ko. Kahit walang tulog, kahit isang kilo na eyebags. Gagawin ko lahat so di mararamdaman ng anak ko naramdaman ko. I will never let my kid question herself kung kamahal mahal ba sya because I love her with all my heart.
Its such a nice feeling when people around me say na gusto din nila kong maging nanay or paampon. Because right now, kahit di ko natupad pangarap ko dahil I had my kid as early as 23, masaya ako. I want to be a mom na kinailangan ko nung bata ako.
I already cut off my mom sa life namin dahil sobrang sakit na, she keeps on disappointing me ng paulit ulit. I dont need to have a mom to be a good mom.